MGA AWIT 124 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat. Mula kay David.

1Kung hindi ang Panginoon ang naging nasa ating panig,

sabihin ngayon ng Israel—

2kung hindi ang Panginoon ang naging nasa panig natin,

nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin,

3nilamon na sana nila tayong buháy,

nang ang kanilang galit ay mag-alab laban sa atin;

4tinabunan na sana tayo ng baha,

dinaanan na sana ng agos ang ating kaluluwa;

5dinaanan na sana ng nagngangalit na mga tubig

ang ating kaluluwa.

6Purihin ang Panginoon,

na hindi tayo ibinigay

bilang biktima sa kanilang mga ngipin!

7Parang ibon sa bitag ng mga manghuhuli

na ang ating kaluluwa ay nakatakas,

ang bitag ay nasira,

at tayo ay nakatakas!

8Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,

na siyang lumikha ng langit at lupa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help