1NangExo. 12:51 lumabas ang Israel at sa Ehipto ay nagmula,
ang sambahayan ni Jacob mula sa bayang may kakaibang wika,
2ang Juda ay naging kanyang santuwaryo,
ang Israel ay kanyang sakop.
3AngExo. 14:21; San. 3:16 dagat ay tumingin at tumakas,
ang Jordan ay umatras.
4Ang mga bundok ay nagsiluksong mga tupang lalaki ang kagaya,
ang mga burol na parang mga batang tupa.
5Anong karamdaman mo, O dagat, upang tumakas ka?
O Jordan, upang umurong ka?
6O mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong mga tupang lalaki ang kagaya?
O mga burol, na parang mga batang tupa?
7Mayanig ka, O lupa, sa harapan ng Panginoon,
sa harapan ng Diyos ni Jacob;
8naExo. 17:1-7; Bil. 20:2-13 ginawang tipunan ng tubig ang malaking bato,
na bukal ng tubig ang hasaang bato.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
