MGA AWIT 67 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Sa Punong Mang-aawit: sa instrumentong may kuwerdas. Isang Salmo. Isang Awit.

1Ang Diyos nawa'y mahabag sa atin at tayo'y pagpalain,

at pagliwanagin nawa niya ang kanyang mukha sa atin, (Selah)

2upang ang iyong daan ay malaman sa lupa,

ang iyong pagliligtas sa lahat ng mga bansa.

3Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;

purihin ka nawa ng lahat ng mga bayan!

4Ang mga bansa nawa'y magalak at umawit sa kagalakan,

sapagkat iyong hahatulan na may katarungan ang mga bayan,

at ang mga bansa sa lupa ay papatnubayan. (Selah)

5Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;

purihin ka nawa ng lahat ng mga bayan.

6Nagbigay ng kanyang bunga ang lupa;

ang Diyos, ang ating Diyos, sa atin ay nagpala;

7Ang Diyos ang sa amin ay nagpala;

matakot sa kanya ang lahat ng mga dulo ng lupa!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help