1Binasbasan
16Kapag ang bahaghari ay nasa ulap, ito ay aking makikita at maaalala ang walang hanggang tipan sa pagitan ng Diyos at ng bawat nilalang na may buhay na nasa ibabaw ng lupa.”
17Sinabi ng Diyos kay Noe, “Ito ang tanda ng tipan na aking itinatag sa lahat ng nabubuhay na nasa ibabaw ng lupa.”
Si Noe at ang Kanyang mga Anak18Ang mga anak ni Noe na lumabas sa daong ay sina Sem, Ham, at Jafet. Si Ham ay siyang ama ni Canaan.
19Ang mga ito ang tatlong mga anak ni Noe at sa kanila nagmula ang lahat ng tao sa lupa.
20Si Noe ay isang magbubukid at siyang pinakaunang nagtanim ng ubasan.
21Uminom siya ng alak at nalasing at siya'y nakahigang hubad sa loob ng kanyang tolda.
22At nakita ni Ham na ama ni Canaan ang kahubaran ng kanyang ama, at isinaysay sa kanyang dalawang kapatid na nasa labas.
23Kumuha sina Sem at Jafet ng isang balabal, inilagay sa balikat nilang dalawa, lumakad ng paatras, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama. At ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama.
24Nagising si Noe sa kanyang pagkalasing, at nalaman ang ginawa sa kanya ng kanyang bunsong anak.
Ang Sumpa Kay Canaan25At kanyang sinabi,
“Sumpain si Canaan!
Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kanyang mga kapatid.”
26At sinabi niya,
“Purihin ang Panginoon, ang Diyos ni Sem!
At si Canaan ay magiging alipin niya.
27Palawakin ng Diyos si Jafet,
at siya'y titira sa mga tolda ni Sem;
at si Canaan ay magiging alipin niya.”
28Nabuhay si Noe ng tatlong daan at limampung taon pagkaraan ng baha.
29Ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyamnaraan at limampung taon. At siya ay namatay.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
