MGA AWIT 127 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat. Mula kay Solomon.

1Malibang ang Panginoon ang magtayo ng bahay,

ang mga nagtatayo nito ay walang kabuluhang nagpapagod.

Malibang ang Panginoon ang magbantay sa lunsod,

ang bantay ay nagpupuyat nang walang kabuluhan.

2Walang kabuluhan na kayo'y bumabangon nang maaga,

at malalim na ang gabi kung magpahinga,

na kumakain ng tinapay ng mga pagpapagal;

sapagkat binibigyan niya ng tulog ang kanyang minamahal.

3Narito, ang mga anak ay pamanang sa Panginoon nagmula,

ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala.

4Gaya ng mga palaso sa kamay ng mandirigma,

ay ang mga anak sa panahon ng pagkabata.

5Maligaya ang lalaki na ang kanyang lalagyan ng pana

ay punô ng mga iyon!

Siya'y hindi mapapahiya,

kapag siya'y nakipag-usap sa kanyang mga kaaway sa pintuang-bayan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help