MGA AWIT 110 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ni David.

1SinabiMt. 22:44; Mc. 12:36; Lu. 20:42, 43; Gw. 2:34, 35; 1 Cor. 15:25; Ef. 1:20-22; Co. 3:1; Heb. 1:13; 8:1; 10:12, 13 ng Panginoon sa aking panginoon:

“Umupo ka sa aking kanan,

hanggang sa aking gawing tuntungan ng iyong paa ang iyong mga kaaway.”

2Iuunat ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Zion.

Mamuno ka sa gitna ng mga kaaway mo!

3Kusang-loob na ihahandog ng iyong bayan

sa araw ng iyong kapangyarihan

sa kagandahan ng kabanalan.

Mula sa bukang-liwayway ng umaga,

ang iyong kabataan ay darating sa iyo na hamog ang kagaya.

4SumumpaHeb. 5:6; 6:20; 7:17, 21 ang Panginoon, at hindi magbabago ang kanyang isipan,

“Ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquizedek.”

5Ang Panginoon ay nasa iyong kanang kamay;

dudurugin niya ang mga hari sa araw ng kanyang poot.

6Siya'y maglalapat ng hatol sa mga bansa,

kanyang pupunuin sila ng mga bangkay;

wawasakin niya ang mga pinuno sa kalaparan ng lupa.

7Siya'y iinom sa batis sa tabi ng daan;

kaya't ang kanyang ulo ay kanyang itataas.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help