MGA AWIT 150 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

1Purihin ang Panginoon!

Purihin ang Diyos sa kanyang santuwaryo;

purihin siya sa kanyang makapangyarihang kalawakan!

2Purihin siya dahil sa kanyang mga makapangyarihang gawa;

purihin siya ayon sa kanyang kadakilaang pambihira!

3Purihin siya sa tunog ng trumpeta;

purihin siya sa salterio at alpa!

4Purihin siya sa mga tamburin at sayaw;

purihin siya sa mga panugtog na may kuwerdas!

5Purihin siya ng mga matunog na pompiyang!

Purihin siya sa mga pompiyang na maiingay!

6Lahat ng bagay na may hininga ay magpuri sa Panginoon!

Purihin ang Panginoon!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help