SEFANIAS 3 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Ang Kasamaan at Katubusan ng Israel

1Kahabag-habag siya na marumi, nadungisan at mapang-aping lunsod!

2Siya'y hindi nakinig sa tinig ninuman;

siya'y hindi tumanggap ng pagtutuwid.

Siya'y hindi nagtiwala sa Panginoon;

siya'y hindi lumapit sa kanyang Diyos.

3Ang mga pinunong kasama

niya ay mga leong umuungal;

ang mga hukom niya ay mga asong ligaw sa gabi;

sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan.

4Ang kanyang mga propeta ay walang kabuluhan at mga taksil;

nilapastangan ng kanyang mga pari ang bagay na banal,

sila'y nagsigawa ng karahasan sa kautusan.

5Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid;

siya'y hindi gumagawa ng mali;

tuwing umaga'y kanyang ipinapakita ang kanyang katarungan,

siya'y hindi nagkukulang bawat madaling-araw;

ngunit walang kahihiyan ang di-matuwid.

6“Ako'y nag-alis ng mga bansa;

ang kanilang mga kuta ay sira.

Aking winasak ang kanilang mga lansangan,

na anupa't walang dumaraan sa mga iyon;

ang kanilang mga lunsod ay giba, kaya't walang tao,

walang naninirahan.

7Aking sinabi, ‘Tiyak na ikaw ay matatakot sa akin,

siya'y tatanggap ng pagtutuwid;

sa gayo'y ang kanyang tahanan ay hindi mahihiwalay

ayon sa aking itinakda sa kanya.’

Ngunit sila'y lalong naging masigasig

na pasamain ang lahat nilang mga gawa.”

8“Kaya't hintayin ninyo ako,” sabi ng Panginoon,

“sa araw na ako'y bumangon bilang saksi.

Sapagkat ang aking pasiya ay tipunin ang mga bansa,

upang aking matipon ang mga kaharian,

upang maibuhos ko sa kanila ang aking galit,

lahat ng init ng aking galit;

sapagkat ang buong lupa ay tutupukin,

ng apoy ng aking naninibughong poot.

9“Oo, sa panahong iyon ay babaguhin ko ang pananalita ng mga tao,

upang maging dalisay na pananalita,

upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon;

at paglingkuran siya na may pagkakaisa.

10Mula sa kabila ng mga ilog ng Etiopia,

ang mga sumasamba sa akin,

ang anak na babae na aking pinapangalat,

ay magdadala ng handog sa akin.

11“Sa araw na iyon ay hindi ka mapapahiya

ng dahil sa mga gawa,

na iyong ipinaghimagsik laban sa akin;

sapagkat kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo

ang iyong mga taong nagsasayang may pagmamataas,

at hindi ka na magmamalaki pa

sa aking banal na bundok.

12Sapagkat aking iiwan sa gitna mo

ang isang mapagpakumbaba at maamong bayan.

Sila'y manganganlong sa pangalan ng Panginoon,

13Ang

“Sila'y nagmula sa iyo, aalisin ang kakutyaan sa kanya.

19Narito, sa panahong iyon ay aking parurusahan ang lahat ng mga umaapi sa iyo.

At aking ililigtas ang pilay at titipunin ang pinalayas;

at aking papalitan ng kapurihan ang kanilang kahihiyan,

at kabantugan sa buong daigdig.

20Sa panahong iyon kayo'y aking ipapasok,

sa panahon na kayo'y aking tinitipon;

oo, aking gagawin kayong bantog at pinupuri

ng lahat ng mga bayan sa daigdig,

kapag ibinalik ko ang inyong mga kapalaran

sa harapan ng inyong paningin,” sabi ng Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help