MGA AWIT 123 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat.

1Sa iyo'y aking itinitingin ang mga mata ko,

O ikaw na sa kalangitan ay nakaupo sa trono!

2Gaya ng mga mata ng mga alipin

na nakatingin sa kamay ng kanilang panginoon,

gaya ng mga mata ng alilang babae

na nakatingin sa kamay ng kanyang panginoong babae,

gayon tumitingin ang aming mga mata sa Panginoon naming Diyos,

hanggang sa siya'y maawa sa amin.

3Maawa ka sa amin, O Panginoon, maawa ka sa amin,

sapagkat labis-labis na ang paghamak sa amin.

4Ang aming kaluluwa'y lubos na napupuno

ng paglibak ng mga nasa kaginhawahan,

ng paghamak ng palalo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help