MGA AWIT 43 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

1O Diyos, pawalang-sala mo ako, at ang aking usapin ay ipagtanggol mo

laban sa isang bayang masama;

iligtas mo ako sa mga taong hindi makatarungan at mandaraya.

2Sapagkat ikaw ang Diyos na aking kalakasan,

bakit mo ako itinakuwil?

Bakit ako lalakad na tumatangis

dahil sa kaaway kong malupit?

3O suguin mo ang iyong liwanag at iyong katotohanan;

patnubayan nawa ako ng mga iyon,

dalhin nawa nila ako sa iyong banal na bundok,

at sa iyong tirahan!

4Kung magkagayo'y pupunta ako sa dambana ng Diyos,

sa Diyos na aking malabis na kagalakan;

at pupurihin kita ng alpa,

O Diyos, aking Diyos.

5Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko?

At bakit ka nababagabag sa loob ko?

Umasa ka sa Diyos; sapagkat ikaw ay muling pupurihin ko,

ang tulong sa aking harapan, at Diyos ko.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help