1Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion,
patunugin ninyo ang hudyat sa aking banal na bundok!
Manginig ang lahat ng naninirahan sa lupain,
sapagkat ang araw ng Panginoon ay dumarating, ito'y malapit na;
2isang araw ng kadiliman at pagkulimlim,
araw ng mga ulap at makapal na dilim!
Gaya ng bukang-liwayway na kumakalat sa mga bundok,
isang dakila at makapangyarihang hukbo ang dumarating;
hindi nagkaroon kailanman ng gaya nila,
ni magkakaroon pa man pagkatapos nila,
hanggang sa mga taon ng maraming salinlahi.
3Isang apoy ang tumutupok sa harapan nila;
at sa likuran nila'y isang nagliliyab na apoy.
Ang lupain ay parang halamanan ng Eden sa harapan nila,
ngunit sa likuran nila'y isang sirang ilang;
at walang nakatakas sa kanila.
4Ang
sa pagitan ng portiko at ng dambana,
at kanilang sabihin, “Maawa ka sa iyong bayan, O Panginoon,
at huwag mong gawing katatawanan ang iyong mana,
na hinahamak ng mga bansa.
Bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan,
‘Nasaan ang kanilang Diyos?’”
Ibinalik ng Panginoon ang Katabaan ng Lupain18At ang Panginoon ay nanibugho para sa kanyang lupain,
at nahabag sa kanyang bayan.
19At ang Panginoon ay sumagot at sinabi sa kanyang bayan,
“Narito, ako'y magpapadala sa inyo ng trigo, alak, at langis,
at kayo'y mabubusog;
at hindi ko kayo gagawing
isang kahihiyan sa gitna ng mga bansa.
20“Aking ilalayo nang malayo sa inyo ang mula sa hilaga,
at itataboy ko siya sa tuyo at sirang lupain,
ang kanyang unaha'y sa dagat silangan,
at ang kanyang hulihan ay sa dagat kanluran;
ang kanyang baho at masamang amoy ay aalingasaw,
sapagkat siya'y gumawa ng malalaking bagay.
21“Huwag kang matakot, O lupa,
ikaw ay matuwa at magalak;
sapagkat ang Panginoon ang gumawa ng mga dakilang bagay!
22Huwag kayong matakot, kayong mga hayop sa parang;
sapagkat ang mga pastulan sa ilang ay sariwa;
ang punungkahoy ay nagbubunga,
ang puno ng igos at ang puno ng ubas ay saganang nagbubunga.
23“Kayo'y matuwa, O mga anak ng Zion,
at magalak sa Panginoon ninyong Diyos;
sapagkat kanyang ibinigay ang maagang ulan para sa inyong ikawawalang-sala,
kanyang ibinuhos para sa inyo ang isang masaganang ulan,
ang maaga at ang huling ulan, gaya nang dati.
24Ang mga giikan ay mapupuno ng trigo,
at ang mga sisidlan ay aapawan ng alak at langis.
25“Aking isasauli sa inyo ang mga taon
na kinain ng kuyog na balang,
ng gumagapang na balang, at ng maninirang balang, at ng nagngangatngat na balang
na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo laban sa inyo.
26“Kayo'y kakain nang sagana at mabubusog,
at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Diyos,
na gumawa ng kababalaghan sa inyo;
at ang aking bayan ay hindi na muling mapapahiya.
27At inyong malalaman na ako'y nasa gitna ng Israel,
at ako ang Panginoon ninyong Diyos, at wala nang iba;
at ang aking bayan ay hindi na muling mapapahiya.
Ang Araw ng Panginoon28“AtGw. 2:17-21 mangyayari pagkatapos nito,
na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman;
at ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay magsasalita ng propesiya,
ang inyong matatanda ay mananaginip ng mga panaginip,
ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain.
29At maging sa mga lingkod na lalaki at babae
ay ibubuhos ko sa mga araw na iyon ang aking Espiritu.
30“At ako'y magbibigay ng mga tanda sa langit at sa lupa, dugo, apoy, at mga haliging usok.
31AngMt. 24:29; Mc. 13:24, 25; Lu. 21:25; Apoc. 6:12, 13 araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na araw ng Panginoon.
32AtRo. 10:13 mangyayari na ang sinumang tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagkat sa bundok ng Zion at sa Jerusalem ay pupunta ang mga nakatakas, gaya ng sinabi ng Panginoon, at kabilang sa mga naligtas ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.