MGA AWIT 70 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Sa Punong Mang-aawit. Awit ni David, para sa handog pang-alaala.

1Malugod ka, O Diyos, na iligtas ako;

O Panginoon, magmadali kang ako'y tulungan mo!

2Mapahiya at malito nawa sila

na tumutugis sa aking buhay!

Maitaboy nawa sila at mawalan ng karangalan,

silang nagnanais na ako'y masaktan!

3Pangilabutan nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan,

silang nagsasabi, “Aha, Aha!”

4Lahat nawang nagsisihanap sa iyo

ay magalak at matuwa sa iyo!

Yaon nawang umiibig sa iyong pagliligtas

ay patuloy na magsabi, “Hayaang dakilain ang Diyos!”

5Ngunit ako'y dukha at nangangailangan,

magmadali ka sa akin, O Diyos!

Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;

O Panginoon, huwag kang magtagal!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help