1Ngayon ay magtipun-tipon kayo sa mga hukbo, O anak na babae ng mga hukbo,
sila'y naglagay ng pagkubkob laban sa atin;
kanilang hahampasin ng tungkod
ang pisngi ng hukom ng Israel.
2Ngunit
sa gitna ng maraming bayan,
parang ulan sa damo
na hindi naghihintay sa tao,
ni naghihintay man sa mga anak ng tao.
8At ang nalabi sa Jacob
ay makakasama ng mga bansa,
sa gitna ng maraming bayan,
parang leon sa gitna ng mga hayop sa gubat,
parang batang leon sa gitna ng mga kawan ng mga tupa;
na kapag siya'y dumaan, yumapak
at lumapa, at walang magligtas.
9Itataas ang iyong kamay sa iyong mga kaaway,
at lilipulin ang lahat ng iyong mga kaaway.
10At sa araw na iyon, sabi ng Panginoon,
aking aalisin sa iyo ang mga kabayo mo,
at aking sisirain ang iyong mga karwahe,
11at aking wawasakin ang mga lunsod ng iyong lupain,
at aking ibabagsak ang lahat ng iyong tanggulan.
12Aalisin ko ang mga panghuhula sa iyong kamay;
at hindi ka na magkakaroon ng mga manghuhula:
13Aalisin ko ang iyong mga larawang inanyuan
at ang iyong mga haligi sa gitna ninyo,
at hindi ka na sasamba
sa gawa ng iyong mga kamay;
14at aking bubunutin ang iyong mga Ashera mula sa gitna mo;
at aking wawasakin ang iyong mga bayan.
15Sa galit at poot ay maglalapat ako ng paghihiganti
sa mga bansa na hindi nakinig.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
