1Ngunit iyon ay ipinagdamdam nang labis ni Jonas at siya'y nagalit.
2Siya'y at pinataas sa itaas ni Jonas, upang maging lilim sa kanyang ulo, upang iligtas siya sa kanyang masamang kalagayan. Sa gayo'y tuwang-tuwa si Jonas dahil sa halaman.
7Ngunit kinaumagahan nang sumunod na araw, naghanda ang Diyos ng isang uod na siyang sumira sa halaman, kaya't natuyo ito.
8Nang sumikat ang araw, naghanda ang Diyos ng mainit na hanging silangan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, kaya't siya'y nahilo, at hiniling ng buong kaluluwa niya na siya'y mamatay. Sinabi niya, “Mabuti pa sa akin ang mamatay kaysa mabuhay.”
9Ngunit sinabi ng Diyos kay Jonas, “Mabuti ba ang ginagawa mo na magalit dahil sa halaman?” At kanyang sinabi, “Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan.”
10Kaya't sinabi ng Panginoon, “Ikaw ay nanghinayang sa halaman na hindi mo pinagpaguran o pinatubo man; ito ay tumubo sa isang gabi, at nawala sa isang gabi.
11Hindi ba ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking lunsod na iyon na may mahigit sa isandaan at dalawampung libong katao na hindi nalalaman kung alin sa kanilang mga kamay ang kanan o ang kaliwa, at mayroon ding maraming hayop?”
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
