1“Magdiriwang pagkatapos mong matipon ang aning mula sa iyong giikan at sa pisaan ng ubas.
14Ikaw at ang iyong anak na lalaki at babae, at ang iyong aliping lalaki at babae, ang Levita, ang dayuhan, ang ulila, at ang babaing balo na kasama ng iyong mga bayan ay magagalak sa iyong pagpipista.
15Pitong araw na ipagdiriwang mo ang pista sa Panginoon mong Diyos sa lugar na pipiliin ng Panginoon, sapagkat pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong bunga, at sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay, at ikaw ay lubos na magagalak.
16“Tatlong ulit sa isang taon na ang iyong mga kalalakihan ay haharap sa Panginoon mong Diyos sa lugar na kanyang pipiliin: sa Pista ng Tinapay na walang Pampaalsa, sa Pista ng mga Sanlinggo, at sa Pista ng mga Tolda. Huwag silang haharap sa Panginoon na walang dala.
17Bawat lalaki ay magbibigay ng kanyang kaya, ayon sa pagpapala na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.
Ang Pagsasagawa ng Katarungan18“Magtatalaga ka ng mga hukom at ng mga pinuno sa lahat ng mga bayan na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos, ayon sa iyong mga lipi, at sila'y maggagawad sa bayan ng matuwid na paghatol.
19Huwag sa tabi ng dambana na iyong gagawin para sa Panginoon mong Diyos.
22NiLev. 26:1 huwag kang magtatayo ng haligi na kinapopootan ng Panginoon mong Diyos.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
