JOB 33 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Pinagsabihan ni Elihu si Job

1“Gayunman, Job, pagsasalita ko'y iyong dinggin,

at makinig ka sa lahat ng aking mga sasabihin.

2Narito, ang bibig ko'y aking ibinubuka,

ang dila sa aking bibig ay nagsasalita.

3Ipinahahayag ng aking mga salita ang katuwiran ng aking puso;

at ang nalalaman ng aking mga labi, ang mga ito'y nagsasalitang may pagtatapat.

4Ang espiritu ng Diyos ang sa aki'y maylalang,

at ang hininga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.

5Sagutin mo ako, kung iyong makakaya;

ayusin mo ang iyong mga salita sa harapan ko; manindigan ka.

6Tingnan mo, sa harapan ng Diyos ako'y kagaya mo,

ako ma'y nilalang mula sa luwad na kapiraso.

7Hindi mo kailangang katakutan ako,

ang aking pamimilit ay hindi magiging mabigat sa iyo.

8“Tunay na ikaw ay nagsalita sa aking pandinig,

at ang tunog ng iyong mga salita ay aking narinig.

9Iyong sinasabi, ‘Ako'y malinis at walang pagsuway;

ako'y dalisay, at sa akin ay walang kasamaan.

10Tingnan mo, naghahanap siya laban sa akin ng kadahilanan,

ibinibilang niya ako na kanyang kaaway;

11ang dahil sa kanyang katuwiran,

27siya'y umaawit sa harapan ng mga tao, at nagsasaysay,

‘Ako'y nagkasala, at binaluktot ang matuwid,

at iyo'y hindi iginanti sa akin.

28Kanyang tinubos ang kaluluwa ko mula sa pagbaba sa hukay,

at makakakita ng liwanag ang aking buhay.’

29“Narito, gawa ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito,

makalawa, makaikatlo sa isang tao,

30upang ibalik ang kanyang kaluluwa mula sa hukay,

upang kanyang makita ang liwanag ng buhay.

31Makinig kang mabuti, O Job, ako'y iyong dinggin;

tumahimik ka, at ako'y may sasabihin.

32Kung ikaw ay mayroong sasabihin, bigyan mo ako ng kasagutan,

ikaw ay magsalita, sapagkat ibig kong ikaw ay bigyang-katuwiran.

33Kung hindi, ako'y iyong pakinggan,

tumahimik ka, at tuturuan kita ng karunungan.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help