DEUTERONOMIO 23 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Ang mga Di-Kabilang sa Kapulungan

1“Ang sinumang nadurog ang itlog o naputol ang ari ay hindi maaaring pumasok sa kapulungan ng Panginoon.

2“Ang isang anak sa labas ay hindi maaaring pumasok sa kapulungan ng Panginoon; kahit na hanggang sa ikasampung salinlahi ay walang papasok sa kanyang mga anak sa kapulungan ng Panginoon.

3“Ang sa mga anak na babae ng Israel, ni magkakaroon ng bayarang lalaki sa mga anak na lalaki ng Israel.

18Huwag mong dadalhin ang upa sa isang masamang babae, o ang pasahod sa isang aso sa bahay ng Panginoon mong Diyos para sa anumang panata, sapagkat ang mga ito ay kapwa karumaldumal sa Panginoon mong Diyos.

19“HuwagExo. 22:25; Lev. 25:36, 37; Deut. 15:7-11 kang magpapahiram na may patubo sa iyong kapatid, patubo ng salapi, patubo ng kakainin, patubo ng anumang bagay na ipinapahiram na may patubo.

20Sa isang dayuhan ay makapagpapahiram ka na may patubo, ngunit sa iyong kapatid ay huwag kang magpapahiram na may patubo upang pagpalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng gagawin mo sa lupain na malapit mo nang pasukin upang angkinin.

21“KapagBil. 30:1-16; Mt. 5:33 ikaw ay gagawa ng isang panata sa Panginoon mong Diyos, huwag kang magiging mabagal sa pagbabayad nito, sapagkat tiyak na hihingin sa iyo ng Panginoon mong Diyos, at ikaw ay magkakasala.

22Ngunit kung iiwasan mong gumawa ng panata, ito ay hindi magiging kasalanan sa iyo.

23Maingat mong isasagawa ang lumabas sa iyong mga labi, ayon sa iyong kusang loob na ipinanata sa Panginoon mong Diyos, na ipinangako ng iyong bibig.

24“Kapag ikaw ay pumasok sa ubasan ng iyong kapwa ay makakakain ka ng mga nagustuhan mong ubas hanggang sa ikaw ay mabusog; ngunit huwag kang maglalagay sa iyong sisidlan.

25Kapag ikaw ay lumapit sa nakatayong trigo ng iyong kapwa, mapipitas mo ng iyong kamay ang mga uhay; ngunit huwag kang gagamit ng karit sa nakatayong trigo ng iyong kapwa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help