MGA AWIT 48 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Isang Awit. Awit ng mga Anak ni Kora.

1Dakila ang Panginoon, at marapat purihin,

sa lunsod ng aming Diyos, ang kanyang banal na bundok.

2MagandaMt. 5:35 sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa,

ang Bundok ng Zion, sa malayong hilaga, ang lunsod ng dakilang Hari.

3Sa loob ng kanyang kuta ay ipinakita ng Diyos

ang sarili bilang isang tiyak na tanggulan.

4Sapagkat narito, ang mga hari ay nagtipon,

sila'y dumating na magkakasama.

5Nang kanilang nakita, sila'y nanggilalas,

sila'y natakot, sila'y nagsitakas.

6Sila'y nanginig,

nahapis na gaya ng isang babaing manganganak.

7Sa pamamagitan ng hanging silangan

ay winasak mo sa Tarsis ang kanilang mga sasakyan.

8Gaya ng aming narinig, ay gayon ang aming nakita

sa lunsod ng Panginoon ng mga hukbo,

sa lunsod ng aming Diyos,

na itinatag ng Diyos magpakailanman. (Selah)

9Aming inaalala ang iyong tapat na pag-ibig, O Diyos,

sa gitna ng iyong templo.

10Gaya ng iyong pangalan, O Diyos, gayon ang papuri sa iyo,

ay nakakarating hanggang sa mga dulo ng lupa.

Ang iyong kanang kamay ay puspos ng tagumpay.

11Hayaang magalak ang Bundok ng Zion!

Hayaang magalak ang mga anak na babae ng Juda

dahil sa iyong mga paghatol!

12Libutin ninyo ang Zion, at inyong paligiran siya;

inyong bilangin ang mga tore niya.

13Isaalang-alang ninyong mabuti ang kanyang mga balwarte,

inyong pasukin ang kanyang mga muog,

upang inyong maibalita sa susunod na salinlahi

14na ito ang Diyos,

ang ating Diyos magpakailanpaman:

Siya'y magiging ating patnubay magpakailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help