MGA AWIT 87 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng mga Anak ni Kora. Isang Awit.

1Ang kanyang saligan ay nasa mga banal na bundok,

2minamahal ng Panginoon ang sa Zion na mga pintuan,

higit kaysa lahat ng kay Jacob na tahanan.

3Maluluwalhating bagay ang ibinabalita tungkol sa iyo,

O lunsod ng Diyos. (Selah)

4Kabilang sa mga nakakakilala sa akin ay binabanggit ko si Rahab at ang Babilonia,

narito, ang Filistia at Tiro, kasama ng Etiopia—

“Ang isang ito ay ipinanganak doon.”

5At tungkol sa Zion ay sasabihin,

“Ang isang ito at ang isang iyon ay ipinanganak sa kanya;”

sapagkat mismong ang Kataas-taasan ang magtatatag sa kanya.

6Ang Panginoon ay magbibilang habang kanyang itinatala ang mga bayan,

“Ang isang ito ay ipinanganak doon.” (Selah)

7Ang mga mang-aawit at mananayaw ay kapwa nagsasabi,

“Lahat ng aking mga bukal ay nasa iyo.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help