MGA AWIT 111 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

1Purihin ninyo ang Panginoon!

Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso,

sa kapulungan ng matuwid at sa kapisanan.

2Dakila ang mga gawa ng Panginoon,

na pinag-aralan ng lahat na nalulugod sa mga iyon.

3Ang kanyang gawa ay punô ng karangalan at kamahalan,

at ang kanyang katuwiran ay nananatili magpakailanman.

4Ginawa niyang maalala ang kanyang kahanga-hangang mga gawa,

ang Panginoon ay mahabagin at mapagbiyaya.

5Siya'y naglalaan ng pagkain sa mga natatakot sa kanya,

lagi niyang aalalahanin ang tipan niya.

6Ipinaalam niya sa kanyang bayan ang kapangyarihan ng kanyang mga gawa,

sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.

7Ang mga gawa ng kanyang mga kamay ay matuwid at makatarungan;

ang lahat niyang mga tuntunin ay mapagkakatiwalaan,

8ang mga iyon ay itinatag magpakailanpaman,

ang mga iyon ay ginagawa sa katapatan at katuwiran.

9Siya'y nagsugo ng katubusan sa kanyang bayan;

kanyang iniutos ang kanyang tipan magpakailanman.

Banal at kagalang-galang ang kanyang pangalan.

10AngJob 28:28; Kaw. 1:7; 9:10 pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;

ang lahat na nagsisigawa nito ay may mabuting kaunawaan.

Ang kanyang kapurihan ay mananatili magpakailanman!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help