1“Halikayo at tayo'y manumbalik sa Panginoon;
sapagkat siya ang lumapa, ngunit pagagalingin niya tayo;
sinugatan niya tayo ngunit tayo'y kanyang bebendahan.
2Pagkatapos ng dalawang araw ay muli niya tayong bubuhayin;
sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo,
upang tayo'y mabuhay sa harap niya.
3At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon;
ang kanyang paglabas ay kasintiyak ng bukang-liwayway;
at siya'y paparito sa atin na parang ulan,
tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig sa lupa.”
Ang Tugon ng Panginoon4Anong gagawin ko sa iyo, O Efraim?
Anong gagawin ko sa iyo, O Juda?
Ang inyong katapatan ay parang ulap sa umaga,
at parang hamog na maagang umaalis.
5Kaya't sila'y aking pinutol sa pamamagitan ng mga propeta;
pinatay ko sila ng mga salita ng aking bibig;
at ang aking mga kahatulan ay lumalabas na parang liwanag.
6Sapagkat ng Efraim ay naroroon, ang Israel ay dinudungisan ang sarili.
11Sa iyo rin, O Juda, ay may nakatakdang pag-aani,
kapag ibabalik ko na ang mga kayamanan sa aking bayan.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
