JEREMIAS 51 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Karagdagang Hatol sa Babilonia

1Ganito ang sabi ng Panginoon:

“Narito, ako'y magbabangon ng isang laban sa Babilonia,

at laban sa mga naninirahan sa Lebkamai;

2Ako'y magpapadala sa Babilonia ng mga dayuhan,

at kanilang tatahipan siya,

at kanilang aalisan ng laman ang kanyang lupain,

kapag sila'y dumating laban sa kanya mula sa bawat panig

sa araw ng kaguluhan.

3Huwag iumang ng mamamana ang kanyang pana,

at huwag siyang hayaang makatayo sa kanyang baluti.

Huwag ninyong hahayaang makaligtas ang kanyang mga kabataang lalaki;

lubos ninyong lipulin ang kanyang buong hukbo.

4Sila'y patay na mabubuwal sa lupain ng mga Caldeo,

at sinugatan sa kanyang mga lansangan.

5Sapagkat ang Israel at Juda ay hindi pa pinababayaan

ng kanilang Diyos, ng Panginoon ng mga hukbo,

bagaman ang lupain ng mga Caldeo ay punô ng pagkakasala

laban sa Banal ng Israel.

6“Tumakas kayo mula sa gitna ng Babilonia,

at iligtas ng bawat tao ang kanyang buhay!

Huwag kayong mapuksa nang dahil sa pagpaparusa sa kanya

sapagkat ito ang panahon ng paghihiganti ng Panginoon;

siya'y kanyang pagbabayarin.

7Ang

na lumasing sa buong daigdig;

ang mga bansa ay uminom ng kanyang alak,

kaya't ang mga bansa ay nauulol.

8Ang Babilonia ay biglang nabuwal at nadurog;

tangisan ninyo siya!

Dalhan ninyo siya ng balsamo para sa kanyang sakit,

baka sakaling siya'y gumaling.

9Ibig

ang kanyang sinabi tungkol sa mga naninirahan sa Babilonia.

13O

at ang kapurihan ng buong lupa ay naagaw!

Ano't ang Babilonia ay naging

katatakutan sa gitna ng mga bansa!

42Ang dagat ay umapaw sa Babilonia;

siya'y natakpan ng nagngangalit nitong mga alon.

43Ang kanyang mga lunsod ay naging katatakutan,

isang tuyong lupain at ilang,

isang lupain na walang taong naninirahan,

o dinaraanan man ng sinumang anak ng tao.

44At aking parurusahan si Bel sa Babilonia,

at aking ilalabas mula sa kanyang bibig ang kanyang nilulon.

Ang mga bansa ay hindi na dadagsa pa sa kanya,

ang pader ng Babilonia ay bumagsak!

45“Lumabas kayo sa kalagitnaan niya, bayan ko!

Iligtas ng bawat isa ang kanyang buhay

mula sa mabangis na galit ng Panginoon!

46Huwag manlupaypay ang inyong puso, o matakot man kayo

sa balitang naririnig sa lupain,

kapag may ulat na dumating sa isang taon,

at pagkatapos niyon ay isa pang ulat sa isa pang taon,

at ang karahasan ay nasa lupain,

at ang pinuno ay laban sa pinuno.

47“Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating

na aking parurusahan ang mga larawang inanyuan ng Babilonia;

ang kanyang buong lupain ay mapapahiya,

at ang lahat ng mapapatay sa kanya ay bubulagta sa gitna niya.

48KungApoc. 18:20 magkagayo'y ang langit at ang lupa,

at lahat ng naroroon

ay aawit sa kagalakan dahil sa Babilonia;

sapagkat ang mga mangwawasak ay darating laban sa kanila mula sa hilaga, sabi ng Panginoon.

49AngApoc. 18:24 Babilonia ay dapat bumagsak dahil sa pinaslang sa Israel,

kung paanong ang mga pinaslang sa buong lupa ay nabuwal dahil sa Babilonia.

Ang Mensahe ng Diyos sa mga Israelita sa Babilonia

50“Kayong nakatakas sa tabak,

humayo kayo, huwag kayong magsitigil!

Alalahanin ninyo ang Panginoon mula sa malayo,

at papasukin ninyo ang Jerusalem sa inyong pag-iisip:

51‘Kami ay napahiya, sapagkat kami ay nakarinig ng pagkutya;

ang kasiraang-puri ay tumakip sa aming mga mukha,

sapagkat ang mga dayuhan ay pumasok

sa mga banal na dako ng bahay ng Panginoon.’

52“Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon,

na ako'y maglalapat ng hatol sa kanyang mga larawang inanyuan;

at sa buong lupain niya

ay daraing ang malubhang nasugatan.

53Kahit abutin pa ng Babilonia ang langit,

at kahit patibayin pa niya ang kanyang malakas na kataasan,

gayunma'y darating sa kanya ang mga manglilipol mula sa akin,

sabi ng Panginoon.

54“Pakinggan ninyo! Isang sigaw mula sa Babilonia!

Ang ingay ng malaking pagkawasak mula sa lupain ng mga Caldeo!

55Sapagkat gigibain ng Panginoon ang Babilonia

at patatahimikin ang kanyang mga makapangyarihang tinig.

Ang kanilang mga alon ay uugong na gaya ng maraming tubig,

ang ingay ng kanilang tinig ay itinataas;

56sapagkat ang isang mangwawasak ay dumating sa kanya,

laban sa Babilonia,

ang kanyang mga mandirigma ay hinuhuli,

ang kanilang mga busog ay pinagpuputul-putol;

sapagkat ang Panginoon ay Diyos ng paghihiganti,

siya'y tiyak na maniningil.

57Lalasingin ko ang kanyang mga pinuno at ang kanyang mga taong pantas,

ang kanyang mga tagapamahala, mga punong-kawal, at ang kanyang mga mandirigma;

sila'y matutulog nang walang hanggang pagtulog at hindi magigising,

sabi ng Hari, na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo.

58“Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo:

Ang malawak na pader ng Babilonia

ay lubos na magigiba,

at ang kanyang matataas na pintuan

ay matutupok ng apoy.

Ang mga tao ay nagpapagal sa walang kabuluhan,

at ang mga bansa ay nagpapakapagod para lamang sa apoy.”

Ang Mensahe ni Jeremias ay Ipinadala sa Babilonia

59Ang salita na iniutos ni propeta Jeremias kay Seraya na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, nang siya'y pumunta sa Babilonia na kasama ni Zedekias na hari ng Juda, nang ikaapat na taon ng kanyang paghahari. Si Seraya ay tagapamahala.

60Kaya't isinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat ng kasamaan na darating sa Babilonia, ang lahat ng salitang ito na isinulat tungkol sa Babilonia.

61Sinabi ni Jeremias kay Seraya: “Pagdating mo sa Babilonia, basahin mong lahat ang mga salitang ito,

62at iyong sabihin, ‘O Panginoon, sinabi mo tungkol sa lugar na ito na iyong pupuksain, anupa't walang maninirahan doon, maging tao o hayop man, at ito'y magiging wasak magpakailanman.’

63PagkataposApoc. 18:21 mong basahin ang aklat na ito, talian mo na may kasamang bato, at ihagis mo sa gitna ng Eufrates,

64at sabihin mo, ‘Ganito lulubog ang Babilonia, at hindi na muling lumitaw dahil sa kapinsalaan na aking dadalhin sa kanya.’” Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help