1“Sa panahong iyon, sabi ng Panginoon, ako ang magiging Diyos ng lahat ng angkan ni Israel, at sila'y magiging aking bayan.”
2Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Ang mga taong nakaligtas sa tabak
ay nakatagpo ng biyaya sa ilang;
nang ang Israel ay maghanap ng kapahingahan.
3Ang Panginoon ay nagpakita sa kanya mula sa malayo.
Inibig kita ng isang walang hanggang pag-ibig,
kaya't ipinagpatuloy ko ang aking kagandahang-loob sa iyo.
4Muli kitang itatayo, at ikaw ay muling maitatayo,
O birhen ng Israel!
Muli mong gagayakan ang iyong sarili ng mga tamburin,
at lalabas ka sa pagsasayaw ng mga nagsasaya.
5Muli kang magtatanim ng mga ubasan
sa mga bundok ng Samaria;
ang mga tagapagtanim ay magtatanim,
at masisiyahan sa bunga.
6Sapagkat magkakaroon ng araw na ang mga bantay ay sisigaw
sa mga burol ng Efraim:
‘Bangon, at tayo'y umahon sa Zion,
sa Panginoon nating Diyos.’”
7Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon:
“Umawit kayo nang malakas na may kagalakan para sa Jacob,
at magsihiyaw kayo dahil sa pinuno ng mga bansa;
magpahayag, magpuri, at magsabi,
‘O Panginoon, iligtas mo ang iyong bayan,
ang nalabi ng Israel.’
8Narito, dadalhin ko sila mula sa hilagang lupain,
at titipunin ko sila mula sa pinakamalayong bahagi ng daigdig.
Kasama nila ang bulag at ang pilay,
ang babaing may anak at ang malapit nang manganak ay magkakasama;
isang malaking pulutong, sila'y babalik rito.
9Sila'y darating na may iyakan,
at may mga pakiusap na papatnubayan ko silang pabalik,
palalakarin ko sila sa tabi ng mga batis ng tubig,
sa matuwid na daan na hindi nila kakatisuran;
sapagkat ako'y ama sa Israel,
at ang Efraim ang aking panganay.
10“Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, O mga bansa,
at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo;
inyong sabihin, ‘Ang nagpakalat sa Israel ay siyang magtitipon sa kanya,
at iingatan siya gaya ng pag-iingat ng pastol sa kanyang kawan.’
11Sapagkat tinubos ng Panginoon ang Jacob,
at kanyang tinubos siya sa kamay ng higit na malakas kaysa kanya.
12Sila'y darating at aawit nang malakas sa kaitaasan ng Zion,
at sila'y magniningning dahil sa kabutihan ng Panginoon,
dahil sa butil, at sa alak, langis,
at dahil sa guya ng kawan at ng bakahan;
at ang kanilang buhay ay magiging gaya ng dinilig na halamanan;
at sila'y hindi na manlulupaypay pa.
13Kung magkagayo'y magagalak ang dalaga sa sayawan,
at ang mga binata at matatanda ay magsasaya.
Gagawin kong kagalakan ang kanilang pagluluksa,
aaliwin ko sila at bibigyan ko ng kagalakan sa kanilang kalungkutan.
14Bubusugin ko ng kasaganaan ang kaluluwa ng mga pari,
at ang aking bayan ay masisiyahan sa aking kabutihan, sabi ng Panginoon.”
Ang Habag ng Panginoon sa Israel15Ganito sa kanila, sabi ng Panginoon.
33NgunitHeb. 10:16 ito ang tipan na aking gagawin sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat iyon sa kanilang mga puso; at ako'y magiging kanilang Diyos at sila'y magiging aking bayan.
34AtHeb. 10:17 hindi na tuturuan ng bawat isa sa kanila ang kanyang kapwa, at ng bawat tao ang kanyang kapatid, na magsasabi, ‘Kilalanin mo ang Panginoon;’ sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa,” sabi ng Panginoon.
35Ganito ang sabi ng Panginoon,
na nagbibigay ng araw bilang liwanag sa maghapon,
at ng mga takdang kaayusan ng buwan at ng mga bituin bilang liwanag sa gabi,
na nagpapakilos sa dagat upang umugong ng mga alon niyon—
ang Panginoon ng mga hukbo ang kanyang pangalan:
36“Kung ang takdang kaayusan na ito ay humiwalay
sa harapan ko, sabi ng Panginoon,
ang binhi ng Israel ay hihinto
sa pagiging isang bansa sa harapan ko magpakailanman.”
37Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Kung ang mga langit sa itaas ay masusukat,
at ang mga saligan ng lupa sa ilalim ay magalugad,
akin ngang itatakuwil ang buong lahi ng Israel
dahil sa lahat nilang nagawa, sabi ng Panginoon.”
38“Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang lunsod ay maitatayo para sa Panginoon mula sa tore ng Hananel hanggang sa Pintuang-bayan sa Panulukan.
39At ang panukat na pisi ay lalabas papalayo, tuluy-tuloy sa burol ng Gareb, at pipihit sa Goa.
40At ang buong libis ng mga bangkay at mga abo, at ang lahat ng parang hanggang sa batis ng Cedron, hanggang sa panulukan ng Pintuang-bayan ng Kabayo patungong silangan ay magiging banal sa Panginoon. Hindi na ito mabubunot o magigiba kailanman.”
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.