1O
kaysa magtiwala sa tao.
9Higit na mabuti ang manganlong sa Panginoon
kaysa magtiwala sa mga pinuno.
10Pinalibutan ako ng lahat ng mga bansa;
sa pangalan ng Panginoon, tiyak na pupuksain ko sila.
11Pinalibutan nila ako, oo, pinalibutan nila ako,
sa pangalan ng Panginoon, sila ay tiyak na pupuksain ko.
12Pinalibutan nila akong gaya ng mga pukyutan,
sila'y nasunog na parang apoy ng mga dawagan;
sa pangalan ng Panginoon sila'y tiyak na pupuksain ko.
13Itinulak mo ako nang malakas, anupa't ako'y malapit nang mabuwal,
ngunit tinulungan ako ng Panginoon.
14AngExo. 15:2; Isa. 12:2 Panginoon ay aking awit at kalakasan,
at siya'y naging aking kaligtasan.
15Ang tunog ng masayang sigawan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
“Ang kanang kamay ng Panginoon ay gumagawang may katapangan,
16ang kanang kamay ng Panginoon ay parangalan,
ang kanang kamay ng Panginoon ay gumagawang may katapangan!”
17Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
at ang mga gawa ng Panginoon ay isasalaysay.
18Pinarusahan akong mabuti ng Panginoon;
ngunit hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
upang ako'y makapasok doon
at makapagpasalamat sa Panginoon.
20Ito ang pintuan ng Panginoon;
ang matuwid ay papasok doon.
21Ako'y magpapasalamat sa iyo sapagkat sinagot mo ako
at ikaw ay naging kaligtasan ko.
22AngLu. 20:17; Gw. 4:11; 1 Ped. 2:7 Mt. 21:42; Mc. 12:10, 11 batong itinakuwil ng mga nagtayo,
ay naging panulok na bato.
23Ito ang gawa ng Panginoon;
ito ay kagila-gilalas sa ating mga mata.
24Ito ang araw na ang Panginoon ang gumawa,
tayo'y magalak at matuwa.
25OMt. 21:9; Mc. 11:9; Jn. 12:13 Panginoon, ipinapakiusap namin sa iyo, ikaw ay magligtas!
O Panginoon, ipinapakiusap namin sa iyo, magsugo ka ng kaginhawahan.
26MapaladMt. 21:9; 23:39; Mc. 11:9; Lu. 13:35; 19:38; Jn. 12:13 siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!
Pinupuri ka namin mula sa bahay ng Panginoon.
27Ang Panginoon ay Diyos, at binigyan niya kami ng liwanag!
Talian ninyo ang hain ng mga panali,
sa mga sungay ng dambana.
28Ikaw ay aking Diyos, at ako'y magpapasalamat sa iyo;
ikaw ay aking Diyos, ikaw ay pupurihin ko.
29O magpasalamat kayo sa Panginoon, sapagkat siya'y mabuti,
sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman!
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.