MGA AWIT 24 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ni David.

1Ang1 Cor. 10:26 lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng narito;

ang sanlibutan, at silang naninirahan dito;

2sapagkat itinatag niya ito sa ibabaw ng mga dagat,

at itinayo sa ibabaw ng mga ilog.

3Sinong aakyat sa bundok ng Panginoon?

At sinong tatayo sa kanyang dakong banal?

4SiyangMt. 5:8 may malilinis na kamay at may pusong dalisay,

na hindi nagtataas ng kanyang kaluluwa sa hindi totoo,

at hindi sumusumpa na may panlilinlang.

5Mula sa Panginoon, pagpapala'y kanyang kakamtan,

at pagwawalang-sala mula sa Diyos ng kanyang kaligtasan.

6Gayon ang salinlahi ng mga nagsisihanap sa kanya,

na nagsisihanap ng mukha ng Diyos ni Jacob. (Selah)

7Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga tarangkahan!

at kayo'y mátaas, kayong matatandang pintuan!

upang makapasok ang Hari ng kaluwalhatian.

8Sino ang Hari ng kaluwalhatian?

Ang Panginoon, malakas at makapangyarihan,

ang Panginoon, makapangyarihan sa pakikipaglaban.

9Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga tarangkahan!

at itaas kayo, kayong matatandang pintuan!

upang makapasok ang Hari ng kaluwalhatian.

10Sino itong Hari ng kaluwalhatian?

Ang Panginoon ng mga hukbo,

siya ang Hari ng kaluwalhatian! (Selah)

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help