MGA BILANG 24 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Ang Ikatlong Talinghaga ni Balaam

1Nang makita ni Balaam na ikinatuwa ng Panginoon na pagpalain ang Israel, hindi siya pumunta na gaya nang una, upang maghanap ng tanda, kundi kanyang iniharap ang kanyang mukha sa dakong ilang.

2Itinaas ni Balaam ang kanyang paningin, at kanyang nakita ang Israel na nagkakampo ayon sa kanilang mga lipi; at ang Espiritu ng Diyos ay dumating sa kanya.

3At binigkas niya ang kanyang talinghaga, na sinasabi:

“Ang sinabi ni Balaam na anak ni Beor,

ang sinabi ng lalaking bukas ang mga mata,

4ang sabi niya na nakarinig ng mga salita ng Diyos,

na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,

na nakalugmok ngunit bukas ang mga mata.

5Napakaganda ng iyong mga tolda, O Jacob,

ang iyong mga himpilan, O Israel!

6Gaya ng mga libis na abot hanggang sa malayo,

gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog,

gaya ng aloe na itinanim ng Panginoon,

gaya ng mga puno ng sedro sa tabi ng ilog.

7Ang tubig ay aagos mula sa kanyang pang-igib,

at ang kanyang binhi ay matatatag sa maraming tubig,

ang kanyang hari ay tataas ng higit kay Agag,

at ang kanyang kaharian ay matatanyag.

8Ang Diyos ang naglalabas sa kanya sa Ehipto;

may lakas na gaya ng mabangis na toro.

Kanyang lalamunin ang mga bansa na kanyang mga kaaway,

at kanyang babaliin ang kanilang mga buto,

at papanain sila ng kanyang mga palaso.

9Siya'y ng Moab,

at lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.

18Ang Edom ay sasamsaman,

ang Seir na kanyang mga kaaway ay sasamsaman rin,

samantalang ang Israel ay nagpapakatapang.

19Sa pamamagitan ng Jacob ay magkakaroon ng kapamahalaan,

at ang nalalabi sa bayan ay pupuksain.”

20Pagkatapos siya'y tumingin sa Amalek, at binigkas ang kanyang talinghaga na sinasabi,

“Ang Amalek ay siyang dating nangunguna sa mga bansa;

ngunit sa huli siya ay mapupuksa.”

21At tumingin siya sa Kineo, at binigkas ang kanyang talinghaga na sinasabi,

“Matibay ang iyong tirahan,

at ang iyong pugad ay nasa malaking bato;

22gayunma'y mawawasak ang Cain.

Gaano katagal na bibihagin ka ng Ashur?”

23At siya'y nagsalita ng talinghaga, na sinasabi:

“Sinong mabubuhay kapag ginawa ito ng Diyos?

24Ngunit ang mga barko ay manggagaling sa baybayin ng Kittim

at kanilang pahihirapan ang Ashur at Eber,

at siya man ay pupuksain.”

25Pagkatapos, si Balaam ay tumindig at bumalik sa kanyang lugar; at si Balak ay umalis na rin.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help