MGA AWIT 128 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat.

1Ang bawat may takot sa Panginoon ay mapalad,

na sa kanyang mga daan ay lumalakad.

2Kakainin mo ang bunga ng paggawa ng iyong mga kamay;

ikaw ay magiging masaya at ito'y magiging mabuti sa iyo.

3Ang asawa mo'y magiging gaya ng mabungang puno ng ubas

sa loob ng iyong tahanan;

ang mga anak mo'y magiging gaya ng mga puno ng olibo

sa palibot ng iyong hapag-kainan.

4Narito, ang taong may takot sa Panginoon,

ay pagpapalain ng ganito.

5Pagpalain ka ng Panginoon mula sa Zion!

Ang kaunlaran ng Jerusalem ay iyo nawang masaksihan

sa lahat ng mga araw ng iyong buhay!

6Ang mga anak ng iyong mga anak ay iyo nawang mamasdan,

mapasa Israel nawa ang kapayapaan!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help