1Ang
at laban sa mga naninirahan sa Pekod.
Pumatay ka at ganap mong lipulin sila,
sabi ng Panginoon,
at gawin mo ang lahat ng iniutos ko sa iyo.
22Ang ingay ng digmaan ay nasa lupain,
at malaking pagkawasak!
23Pinutol at binali ang pamukpok ng buong daigdig!
Ang Babilonia ay naging
isang katatakutan sa gitna ng mga bansa!
24Ako'y naglagay ng bitag para sa iyo, at ikaw naman ay nakuha, O Babilonia,
at hindi mo ito nalaman;
ikaw ay natagpuan at nahuli,
sapagkat ikaw ay naghimagsik laban sa Panginoon.
25Binuksan ng Panginoon ang kanyang taguan ng sandata,
at inilabas ang mga sandata ng kanyang poot;
sapagkat iyon ay gawa ng Panginoong Diyos ng mga hukbo
sa lupain ng mga Caldeo.
26Pumunta kayo laban sa kanya mula sa pinakamalayong hangganan;
buksan ninyo ang kanyang mga kamalig;
itambak ninyo siya na gaya ng bunton, at lubos ninyo siyang wasakin;
huwag mag-iiwan ng anuman sa kanya.
27Patayin ninyo ng tabak ang lahat niyang mga toro;
pababain sila sa katayan.
Kahabag-habag sila! Sapagkat dumating na ang kanilang araw,
ang araw ng pagpaparusa sa kanila.
28“May tinig ng mga takas at mga tumatakbo mula sa lupain ng Babilonia, upang ipahayag sa Zion ang paghihiganti ng Panginoon nating Diyos, ang paghihiganti para sa kanyang templo.
29“MagpatawagApoc. 18:6 kayo ng mga mamamana laban sa Babilonia, silang lahat na gumagamit ng pana. Magkampo kayo sa palibot niya; huwag hayaang makatakas ang sinuman. Gantihan siya ayon sa kanyang mga gawa, gawin ninyo sa kanya ang ayon sa lahat niyang ginawa; sapagkat may kapalaluan niyang sinuway ang Panginoon, ang Banal ng Israel.
30Kaya't mabubuwal ang kanyang mga kabataang lalaki sa kanyang mga liwasan, at ang lahat niyang mga kawal ay malilipol sa araw na iyon, sabi ng Panginoon.
31“Narito, ako'y laban sa iyo, O ikaw na palalo,
sabi ng Panginoong Diyos ng mga hukbo;
sapagkat ang iyong araw ay dumating na,
ang panahon na parurusahan kita.
32At ang palalo ay matitisod at mabubuwal,
at walang magbabangon sa kanya;
at ako'y magpapaningas ng apoy sa kanyang mga lunsod,
at lalamunin niyon ang lahat ng nasa palibot niya.
33“Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Ang mga anak ni Israel ay inaapi at gayundin ang mga anak ni Juda na kasama nila; lahat ng bumihag sa kanila ay mahigpit silang hinahawakan, sila'y ayaw nilang palayain.
34Ang kanilang Manunubos ay malakas; ang Panginoon ng mga hukbo ang kanyang pangalan. Tiyak na kanyang ipaglalaban sila, upang mabigyan niya ng kapahingahan ang lupa, ngunit kaguluhan sa mga mamamayan ng Babilonia.
35“Tabak laban sa mga Caldeo, sabi ng Panginoon,
at laban sa mga mamamayan ng Babilonia,
at laban sa kanyang mga pinuno, at sa kanyang mga pantas!
36Tabak laban sa mga manghuhula,
at sila'y magiging mga hangal!
Tabak laban sa kanyang mga mandirigma
at sila'y malilipol!
37Tabak laban sa kanilang mga kabayo at sa kanilang mga karwahe,
at laban sa lahat ng mga dayuhang nasa gitna niya,
at sila'y magiging mga babae!
Tabak laban sa kanyang mga kayamanan,
at ang mga iyon ay sasamsamin.
38Tagtuyot sa kanyang mga tubig,
at sila'y matutuyo!
Sapagkat iyon ay lupain ng mga larawang inanyuan,
at sila'y nahihibang sa mga diyus-diyosan.
39“Kaya'tApoc. 18:2 ang mababangis na hayop ay maninirahan doon na kasama ng mga asong-gubat, at ang avestruz ay maninirahan sa kanya; hindi na ito titirahan ng mga tao kailanpaman; ni matatahanan sa lahat ng mga salinlahi.
40KungGen. 19:24, 25 paanong winasak ng Diyos ang Sodoma at Gomorra at ang mga karatig-bayan ng mga iyon, sabi ng Panginoon, gayon walang sinumang maninirahan doon, at walang anak ng tao na titira doon.
41“Narito, isang bayan ay dumarating mula sa hilaga;
isang makapangyarihang bansa at maraming hari
ang gigisingin mula sa pinakamalayong bahagi ng lupa.
42May hawak silang busog at sibat;
sila'y malulupit, at walang awa.
Ang kanilang tinig ay gaya ng hugong ng dagat,
at sila'y nakasakay sa mga kabayo,
nakahanay na gaya ng isang taong makikipagdigma
laban sa iyo, O anak na babae ng Babilonia!
43“Narinig ng hari ng Babilonia ang balita tungkol sa kanila,
at ang kanyang mga kamay ay nanghina;
sinaklot siya ng dalamhati,
ng paghihirap na gaya ng sa babaing manganganak.
44“Narito, darating ang isang gaya ng leon na umaahon mula sa gubat ng Jordan laban sa matibay na kulungan ng tupa, bigla ko silang patatakbuhing papalayo sa kanya; at hihirangin kong mamahala sa kanya ang sinumang piliin ko. Sapagkat sinong gaya ko? Sinong magpapatawag sa akin? Sinong pastol ang makakatayo sa harapan ko?
45Kaya't inyong pakinggan ang pinanukala ng Panginoon laban sa Babilonia; at ang mga layuning binuo niya laban sa lupain ng mga Caldeo: Tiyak na kakaladkarin ang maliliit sa kanilang kawan. Tiyak na wawasakin niya ang kawan nila dahil sa kanila.
46Sa ingay ng pagkasakop sa Babilonia ay nayayanig ang lupa, at ang kanyang sigaw ay maririnig sa mga bansa.”
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.