MGA AWIT 54 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Sa1 Sam. 23:19; 26:1 Punong Mang-aawit: sa instrumentong may kuwerdas. Maskil ni David, nang ang mga Zifeo ay tumungo at sabihin kay Saul, “Si David ay nagtatago sa gitna namin.”

1Iligtas mo ako, O Diyos, sa pamamagitan ng iyong pangalan,

at pawalang-sala mo ako sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.

2O Diyos, dalangin ko'y pakinggan mo,

pakinggan mo ang mga salita ng bibig ko.

3Sapagkat ang mga banyaga ay naghimagsik laban sa akin,

at mararahas na tao ang umuusig sa buhay ko;

hindi nila inilagay ang Diyos sa harapan nila. (Selah)

4Ang Diyos ay aking katulong;

ang Panginoon ang umaalalay sa aking kaluluwa.

5Kanyang gagantihan ng masama ang mga kaaway ko;

tapusin mo sila sa katapatan mo.

6Ako'y mag-aalay sa iyo ng kusang-loob na handog;

ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, O Panginoon, sapagkat ito'y mabuti.

7Sapagkat iniligtas niya ako sa bawat kabagabagan;

at ang aking mata ay tuminging may pagtatagumpay sa aking mga kaaway.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help