MGA AWIT 100 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Isang Awit para sa Handog na Pasasalamat.

1Sumigaw kayo na may kagalakan sa Panginoon, lahat na mga lupain!

2Maglingkod kayo sa Panginoon na may kagalakan;

magsilapit kayo sa kanyang harapan na may awitan.

3Kilalanin ninyo na ang Panginoon ay Diyos!

Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kanya;

tayo'y kanyang bayan, at mga tupa ng kanyang pastulan.

4Magsipasok kayo sa kanyang mga pintuan na may pagpapasalamat,

at sa kanyang mga bulwagan na may pagpupuri!

Magpasalamat kayo sa kanya, at purihin ninyo ang pangalan niya!

5Sapagkat1 Cro. 16:34; 2 Cro. 5:13; 7:3; Ezra 3:11; Awit 106:1; 107:1; 118:1; 136:1; Jer. 33:11 ang Panginoon ay mabuti;

ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;

at ang kanyang katapatan ay sa lahat ng salinlahi.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help