EZEKIEL 32 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Inihambing sa Buwaya ang Faraon

1Nang unang araw ng ikalabindalawang buwan ng ikalabindalawang taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

2“Anak ng tao, managhoy ka dahil kay Faraong hari ng Ehipto, at sabihin mo sa kanya:

“Itinuturing mo ang iyong sarili bilang isang leon sa gitna ng mga bansa,

gayunman, ikaw ay parang dragon sa mga dagat;

at ikaw ay lumitaw sa iyong mga ilog,

at nilabo mo ng iyong mga paa ang tubig,

at dinumihan mo ang kanilang mga ilog.

3Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:

Aking ilaladlad ang aking lambat sa iyo

na kasama ng isang pulutong ng maraming tao;

at iaahon ka nila sa aking lambat.

4At ihahagis kita sa lupa,

ihahagis kita sa malawak na parang,

at aking padadapuin sa iyo ang lahat ng mga ibon sa himpapawid,

at aking bubusugin sa iyo ang mga hayop ng buong lupa.

5At aking ilalagay ang iyong laman sa ibabaw ng mga bundok,

at pupunuin ko ang mga libis ng iyong mga kataasan.

6Aking didiligin ang lupain ng iyong dumadaloy na dugo

maging sa mga bundok;

at ang mga daan ng tubig ay mapupuno dahil sa iyo.

7Kapag ng higaan sa gitna ng mga napatay na kasama ang lahat niyang karamihan, ang kanilang mga libingan ay nasa palibot niya, silang lahat na di-tuli na napatay sa pamamagitan ng tabak. Ang pagkatakot sa kanila ay ikinalat sa lupain ng buháy, at dinala nila ang kanilang kahihiyan na kasama ng mga bumaba sa hukay. Sila'y inilagay na kasama ng mga napatay.

26“Naroon ang Meshec at Tubal, at ang lahat nilang karamihan. Ang mga libingan nila ay nasa palibot niya, silang lahat na hindi tuli, na napatay sa pamamagitan ng tabak; sapagkat sila'y naghasik ng takot sa lupain ng buháy.

27At sila'y hindi humigang kasama ng makapangyarihang lalaki nang una na nabuwal na nagsibaba sa Sheol na dala ang kanilang mga sandatang pandigma, na ang kanilang mga tabak ay inilagay sa ilalim ng kanilang mga ulo, ngunit ang parusa para sa kanilang kasamaan ay nasa kanilang mga buto; sapagkat ang pagkatakot sa mga makapangyarihang lalaki ay nasa lupain ng buháy.

28Ngunit ikaw ay mabubuwal sa gitna ng mga di-tuli, kasama nila na napatay sa pamamagitan ng tabak.

29“Naroon ang Edom, ang kanyang mga hari at lahat niyang mga pinuno, na sa kanilang kapangyarihan ay nahiga na kasama ng napatay ng tabak. Sila'y humigang kasama ng mga di-tuli, at niyong nagsibaba sa hukay.

30“Naroon ang mga pinuno sa hilaga, silang lahat, at lahat ng mga taga-Sidon, sa kabila ng lahat ng takot na ibinunga ng kanilang kapangyarihan ay nagsibabang may kahihiyan na kasama ng patay. Sila'y nahigang hindi tuli na kasama ng napatay sa pamamagitan ng tabak, at taglay ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay.

31“Kapag nakita sila ni Faraon, aaliwin niya ang sarili dahil sa lahat niyang karamihan—si Faraon at ng buo niyang hukbo na napatay ng tabak, sabi ng Panginoong Diyos.

32Bagama't naghasik ako ng takot sa kanya sa lupain ng buháy; at siya'y ihihiga sa gitna ng mga di-tuli, na kasama ng napatay ng tabak, si Faraon at ang karamihan niya, sabi ng Panginoong Diyos.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help