MGA AWIT 125 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat.

1Ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay gaya ng bundok ng Zion,

na hindi makikilos kundi nananatili sa buong panahon.

2Kung paanong ang mga bundok ay nakapalibot sa Jerusalem,

gayon ang Panginoon ay nakapalibot sa kanyang bayan,

mula sa panahong ito at magpakailanman.

3Sapagkat ang setro ng kasamaan ay hindi mananatili

sa lupaing iniukol sa mga matuwid;

upang hindi iunat ng mga matuwid

ang kanilang mga kamay sa paggawa ng masama.

4Gawan mo ng mabuti ang mabubuti, O Panginoon,

at ang matutuwid sa kanilang mga puso.

5Ngunit ang mga lumilihis sa kanilang masasamang lakad,

ay itataboy ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan.

Dumating nawa ang kapayapaan sa Israel!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help