JOB 25 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Walang Matuwid sa Paningin ng Diyos

1Nang magkagayo'y ang Suhitang si Bildad ay sumagot, at sinabi,

2“Sa Diyos ang pamamahala at pagkatakot,

gumagawa siya ng kapayapaan sa kanyang langit na matayog.

3Ang kanya bang mga hukbo ay may bilang?

Ang kanyang liwanag ay kanino hindi sumisilang?

4Paano ngang magiging ganap ang tao sa harapan ng Diyos?

O paanong magiging malinis ang ipinanganak ng isang babae?

5Tingnan mo, maging ang buwan ay hindi maningning,

at hindi dalisay ang mga bituin sa kanyang paningin;

6gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod!

At ang anak ng tao, na isang bulati!”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help