MGA AWIT 40 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Sa Punong Mang-aawit. Awit ni David.

1Matiyaga akong naghintay sa Panginoon;

kumiling siya sa akin at pinakinggan ang aking daing.

2Iniahon niya ako sa hukay ng pagkawasak,

mula sa putikang lusak,

at itinuntong niya ang mga paa ko sa isang malaking bato,

at pinatatag ang aking mga hakbang.

3Nilagyan niya ng bagong awit ang aking bibig,

isang awit ng pagpupuri sa ating Diyos.

Marami ang makakakita at matatakot,

at magtitiwala sa Panginoon.

4Mapalad ang tao na kaniyang ginawang tiwala ang Panginoon,

na hindi bumabaling sa mga mapagmataas,

pati sa mga naligaw sa kamalian.

5Pinarami mo, O Panginoon kong Diyos,

ang iyong mga kagila-gilalas na gawa at ang iyong mga pag-aalala sa amin;

walang maaaring sa iyo'y ihambing!

Kung aking ipahahayag ang mga iyon at isasaysay,

ang mga iyon ay higit kaysa mabibilang.

6Hain mo nawa, O Panginoon, na ako'y iligtas mo!

O Panginoon, ikaw ay magmadaling tulungan ako!

14Sila nawa'y mapahiya at hamaking sama-sama

silang nagsisikap na agawin ang aking buhay;

sila nawa'y mapaurong at madala sa kahihiyan,

silang nagnanais ng aking kapahamakan.

15Matakot nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan

na nagsasabi sa akin, “Aha! Aha!”

16Ngunit magalak at matuwa nawa sa iyo

ang lahat ng sa iyo'y nagsisihanap;

yaong umiibig sa iyong pagliligtas

ay patuloy nawang magsabi, “Dakilain ang Panginoon!”

17Dahil sa ako'y nahihirapan at nangangailangan,

alalahanin nawa ako ng Panginoon.

Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;

huwag kang magtagal, O aking Diyos.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help