MGA AWIT 133 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat.

1Narito, napakabuti at napakaligaya

kapag ang magkakapatid ay sama-samang namumuhay na nagkakaisa!

2Ito'y gaya ng mahalagang langis sa ulo,

na tumutulo sa balbas,

sa balbas ni Aaron,

tumutulo sa laylayan ng kanyang damit!

3Ito ay gaya ng hamog sa Hermon,

na pumapatak sa mga bundok ng Zion!

Sapagkat doon iniutos ng Panginoon ang pagpapala,

ang buhay magpakailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help