HOSEAS 12 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

1Ang Efraim ay nanginginain sa hangin,

at humahabol sa hanging silangan sa buong araw;

sila'y nagpaparami ng mga kabulaanan at karahasan;

sila'y nakikipagkasundo sa Asiria,

at nagdadala ng langis sa Ehipto.

2Ang Panginoon ay may paratang laban sa Juda,

at parurusahan ang Jacob ayon sa kanyang mga lakad;

at pagbabayarin siya ayon sa kanyang mga gawa.

3Sa

5Ang Panginoon, ang Diyos ng mga hukbo;

Panginoon ang kanyang pangalan!

6Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Diyos,

mag-ingat ng kabutihang-loob at katarungan,

at hintayin mong lagi ang iyong Diyos.

7Isang mangangalakal na may timbangang madaya sa kanyang mga kamay,

maibigin siya sa pang-aapi.

8At sinabi ng Efraim, “Tunay na ako'y mayaman,

ako'y nagkamal ng kayamanan para sa aking sarili;

sa lahat ng aking pakinabang

walang natagpuang paglabag sa akin

na masasabing kasalanan.”

9NgunitLev. 23:42, 43 ako ang Panginoon mong Diyos

mula sa lupain ng Ehipto;

muli kitang patitirahin sa mga tolda,

gaya sa mga araw ng takdang kapistahan.

10Ako ay nagsalita sa mga propeta,

at ako ang nagparami ng mga pangitain;

at sa pamamagitan ng mga propeta ay nagbigay ako ng mga talinghaga.

11Sa Gilead ba'y may kasamaan?

Sila'y pawang walang kabuluhan.

Sa Gilgal ay naghahandog sila ng mga toro;

ang kanilang mga dambana ay parang mga bunton

sa mga lupang binungkal sa bukid.

12SiGen. 29:1-20 Jacob ay tumakas patungo sa lupain ng Aram,

at doon ay naglingkod si Israel dahil sa isang asawa,

at dahil sa isang asawa ay nag-alaga siya ng mga tupa.

13SaExo. 12:50, 51 pamamagitan ng isang propeta ay iniahon ng Panginoon ang Israel mula sa Ehipto,

at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y napangalagaan.

14Ang Efraim ay nagbigay ng mapait na galit,

kaya't ibababa ng kanyang Panginoon ang mga kasamaan niya sa kanya

at pagbabayarin siya sa kanyang mga panlalait.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help