1Kinuha ng Diyos ang kanyang lugar sa kapisanan ng Diyos;
siya'y humahatol sa gitna ng mga diyos.
2“Hanggang kailan kayo hahatol ng di-makatarungan,
at magpapakita ng pagsang-ayon sa masama? (Selah)
3Bigyan ninyo ng katarungan ang mahina at ulila;
panatilihin ang karapatan ng napipighati at dukha.
4Sagipin ninyo ang mahina at nangangailangan;
iligtas ninyo sila sa kamay ng masama.”
5Wala silang kaalaman o pang-unawa,
sila'y lumalakad na paroo't parito sa kadiliman;
lahat ng saligan ng lupa ay nayayanig.
6AkingJn. 10:34 sinasabi, “Kayo'y mga diyos,
kayong lahat ay mga anak ng Kataas-taasan.
7Gayunma'y mamamatay kayong tulad ng mga tao,
at mabubuwal na gaya ng sinumang pinuno.”
8Bumangon ka, O Diyos, hatulan mo ang lupa;
sapagkat iyo ang lahat ng mga bansa!
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
