1“Makinig kayo, mga langit, at ako'y magsasalita,
at pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig.
2Ang aking aral ay papatak na parang ulan;
ang aking salita ay bababa na parang hamog;
gaya ng ambon sa malambot na damo,
at gaya ng mahinang ambon sa pananim.
3Sapagkat aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon;
dakilain ninyo ang ating Diyos!
4“Siya ang Bato, ang kanyang gawa ay sakdal;
sapagkat lahat ng kanyang daan ay katarungan.
Isang Diyos na tapat at walang kasamaan,
siya ay matuwid at banal.
5Sila'y nagpakasama,
sila'y hindi kanyang mga anak, dahilan sa kanilang kapintasan;
isang lahing liko at tampalasan.
6Ganyan ba ninyo gagantihan ang Panginoon,
O hangal at di-matalinong bayan?
Hindi ba siya ang iyong ama na lumalang sa iyo?
Kanyang nilalang ka, at itinatag ka.
7Alalahanin mo ang mga naunang araw,
isipin mo ang mga taon ng maraming salinlahi;
itanong mo sa iyong ama at kanyang ibabalita sa iyo;
sa iyong matatanda, at kanilang sasabihin sa iyo.
8Nang na anak ni Nun.
Huling Tagubilin ni Moises45Pagkatapos sabihin ni Moises ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel,
46ay kanyang sinabi sa kanila, “Ilagay ninyo sa puso ang lahat ng mga salita na aking pinapatotohanan sa inyo sa araw na ito, na inyong iuutos sa inyong mga anak upang gawin ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.
47Sapagkat ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; sapagkat ito'y inyong buhay, at sa pamamagitan ng bagay na ito ay inyong pahahabain ang inyong mga araw sa lupain na inyong itinawid sa Jordan upang angkinin.”
Pinasampa si Moises sa Bundok ng Nebo48AngBil. 27:12-14; Deut. 3:23-27 Panginoon ay nagsalita kay Moises nang araw ding iyon,
49“Umakyat ka sa bundok na ito ng Abarim, sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab, na nasa tapat ng Jerico. Tanawin mo ang lupain ng Canaan, na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel bilang pag-aari.
50Mamamatay ka sa bundok na iyong inakyat at isasama ka sa iyong angkan, gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa bundok ng Hor at isinama sa kanyang angkan.
51Sapagkat kayo'y sumuway sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba ng Kadesh, sa ilang ng Zin; sapagkat hindi ninyo ako itinuring na banal sa gitna ng mga anak ni Israel.
52Gayunma'y makikita mo ang lupain sa harapan mo, ngunit hindi ka makakapasok sa lupain na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel.”
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.