MGA AWIT 93 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Ang Diyos na Hari

1Ang Panginoon ay naghahari, siya'y nakasuot ng karilagan;

ang Panginoon ay nananamit, siya'y nabibigkisan ng kalakasan.

Ang sanlibutan ay kanyang itinatag; hindi ito matitinag.

2Ang trono mo'y natatag noong una;

ikaw ay mula sa walang pasimula.

3Ang mga baha ay tumaas, O Panginoon,

ang mga baha ay nagtaas ng kanilang ugong;

ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.

4Higit na makapangyarihan kaysa sa dagundong ng maraming tubig,

kaysa sa malalakas na hampas ng alon sa dagat,

ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan!

5Ang iyong mga utos ay tiyak na tiyak;

ang kabanalan sa iyong sambahayan ay nararapat,

O Panginoon, magpakailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help