JOB 42 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Kinilala ni Job ang Kanyang Pagkakamali

1Pagkatapos ay sumagot si Job sa Panginoon, at sinabi,

2“Alam kong magagawa mo ang lahat ng mga bagay,

at wala kang layunin na mahahadlangan.

3‘Sino at singsing na ginto.

12Sa gayo'y pinagpala ng Panginoon ang mga huling araw ni Job na higit kaysa kanyang pasimula. Siya'y nagkaroon ng labing-apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, isang libong magkatuwang na baka, at isang libong asnong babae.

13Siya'y nagkaroon din ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.

14Tinawag niya ang pangalan ng una na Jemima, ang ikalawa ay Keziah, at ang ikatlo ay Keren-hapuch.

15At sa buong lupain ay walang mga babaing natagpuang kasingganda ng mga anak na babae ni Job, at binigyan sila ng kanilang ama ng mana kasama ng kanilang mga kapatid na lalaki.

16Pagkatapos nito'y nabuhay si Job na isandaan at apatnapung taon, at nakita niya ang kanyang mga anak, at ang mga anak ng kanyang mga anak, hanggang sa apat na salinlahi.

17At namatay si Job, matanda na at puspos ng mga araw.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help