MGA AWIT 146 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

1Purihin ang Panginoon!

Purihin mo ang Panginoon, O kaluluwa ko!

2Pupurihin ko ang Panginoon habang ako'y nabubuhay,

ako'y aawit ng mga papuri sa aking Diyos, habang ako'y may buhay.

3Huwag kayong magtiwala sa mga pinuno,

o sa anak man ng tao na walang kaligtasan.

4Ang kanyang espiritu ay humiwalay, siya'y bumabalik sa kanyang lupa;

sa araw ding iyon ay naglalaho ang kanyang mga panukala.

5Maligaya siya na ang saklolo ay ang Diyos ni Jacob,

na ang pag-asa ay nasa Panginoon niyang Diyos,

6naGw. 4:24; 14:15 gumawa ng langit at lupa,

ng dagat, at ng lahat ng naroroon;

na nag-iingat ng katotohanan magpakailanman;

7na naglalapat ng katarungan sa naaapi;

na nagbibigay ng pagkain sa nagugutom.

Pinalalaya ng Panginoon ang mga bilanggo;

8binubuksan ng Panginoon ang mga mata ng bulag.

Ibinabangon ng Panginoon ang mga nabubuwal.

Iniibig ng Panginoon ang matuwid.

9Iniingatan ng Panginoon ang mga banyaga;

kanyang inaalalayan ang babaing balo at ang ulila,

ngunit ang lakad ng masama ay inililihis niya.

10Magpakailanman ang Panginoon ay maghahari,

ang iyong Diyos, O Zion, sa lahat ng salinlahi.

Purihin ang Panginoon!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help