MGA AWIT 20 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Sa Punong Mang-aawit. Awit ni David.

1Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kaguluhan!

Ang pangalan ng Diyos ni Jacob ang magtataas sa iyo!

2Nawa'y saklolohan ka niya mula sa santuwaryo,

at alalayan ka mula sa Zion!

3Maalala nawa niya ang lahat mong mga handog,

at tanggapin niya ang iyong mga handog na sinusunog! (Selah)

4Nawa'y ang nais ng iyong puso ay ipagkaloob niya sa iyo,

at tuparin ang lahat ng mga panukala mo!

5Kami'y magagalak sa iyong pagliligtas,

at sa pangalan ng aming Diyos ay aming itataas ang aming mga watawat!

Ganapin nawa ng Panginoon ang kahilingan mong lahat!

6Ngayo'y nalalaman ko na tutulungan ng Panginoon ang kanyang pinahiran ng langis;

sasagutin niya siya mula sa kanyang banal na langit

na may makapangyarihang pagtatagumpay sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay.

7Ipinagmamalaki ng ilan ang mga karwahe, at ang iba ay ang mga kabayo;

ngunit ipinagmamalaki namin ang pangalan ng Panginoon naming Diyos.

8Sila'y mabubuwal at guguho,

ngunit kami ay titindig at matuwid na tatayo.

9Bigyan ng tagumpay ang hari, O Panginoon,

sagutin nawa kami kapag kami ay tumatawag.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help