LUCAS 19 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Si Jesus at si Zaqueo

1Siya'y pumasok at nagdaan sa Jerico,

2at doon ay may isang lalaki na ang pangalan ay Zaqueo. Siya'y isang punong maniningil ng buwis at mayaman.

3Nagsikap siyang makita kung sino si Jesus, subalit hindi magawa dahil sa karamihan ng mga tao, sapagkat siya'y pandak.

4Kaya't tumakbo siya sa unahan at umakyat sa isang puno ng sikomoro upang makita siya, sapagkat siya'y daraan sa daang iyon.

5At nang dumating si Jesus sa lugar na iyon, siya'y tumingala, at sinabi sa kanya, “Zaqueo, dali ka at bumaba ka; sapagkat kailangang ako'y tumuloy sa bahay mo ngayon.”

6Kaya't siya'y nagmadali, bumaba, at natutuwa siyang tinanggap.

7Nang kanilang makita ito ay nagbulungan silang lahat, na nagsasabi, “Siya'y pumasok upang maging panauhin ng isang taong makasalanan.”

8Si Zaqueo ay tumindig at sinabi sa Panginoon, “Panginoon, ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha at kung sa pamamagitan ng pandaraya ay may kinuha ako sa kanino mang tao, babayaran ko siya ng apat na ulit.”

9At sinabi sa kanya ni Jesus, “Dumating sa bahay na ito ngayon ang kaligtasan, sapagkat siya man ay anak din ni Abraham.

10Sapagkat(Mt. 25:14-30)

11Samantalang ang kanilang mga damit sa daan.

37Nang malapit na siya sa libis ng bundok ng mga Olibo, ang lahat ng napakaraming mga alagad ay nagpasimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga makapangyarihang gawa na kanilang nakita,

38naAwit 118:26 sinasabi,

“Mapalad ang Hari

na dumarating sa pangalan ng Panginoon!

Kapayapaan sa langit,

at kaluwalhatian sa kataas-taasan!”

39Ilan sa mga Fariseo na mula sa maraming tao ay nagsabi sa kanya, “Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.”

40At sumagot siya, “Sinasabi ko sa inyo na kung tatahimik ang mga ito, ang mga bato'y sisigaw.”

Iniyakan ni Jesus ang Jerusalem

41Nang malapit na siya at nakita ang lunsod, ito'y kanyang iniyakan,

42na sinasabi, “Kung sa araw na ito ay alam mo sana ang mga bagay na tungo sa kapayapaan! Subalit ngayo'y nakakubli ito sa iyong mga mata.

43Sapagkat darating sa iyo ang mga araw, na ang mga kaaway mo ay magtatayo ng muog sa palibot mo at papaligiran ka, at gigipitin ka sa bawat panig.

44At ibabagsak ka sa lupa, ikaw at ang iyong mga anak na nasa iyo. Sa iyo'y hindi sila mag-iiwan ng bato sa ibabaw ng kapwa bato; sapagkat hindi mo kinilala ang panahon ng pagdalaw sa iyo.”

Nilinis ni Jesus ang Templo(Mt. 21:12-17; Mc. 11:15-19; Jn. 2:13-22)

45At pumasok siya sa templo, at pinasimulang itaboy sa labas ang mga nagtitinda,

46naIsa. 56:7; Jer. 7:11 sinasabi sa kanila, “Nasusulat,

‘Ang aking bahay ay magiging bahay-dalanginan,’

subalit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw.”

47NagturoLu. 21:37 siya araw-araw sa templo. Ngunit pinagsisikapan ng mga punong pari, ng mga eskriba, at ng mga pinuno ng bayan na siya'y patayin.

48Ngunit wala silang nakitang magagawa nila, sapagkat nakatuon ang pansin ng buong bayan sa kanyang mga salita.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help