1Kayo'y magsilapit, kayong mga bansa, upang makinig;
at pakinggan ninyo, O mga bayan!
Dinggin ng lupa at ng lahat ng narito;
ng sanlibutan, at ng lahat na bagay na mula rito.
2Sapagkat ang Panginoon ay galit laban sa lahat ng bansa,
at napopoot laban sa lahat nilang hukbo,
kanyang inilaan na sila, kanyang ibinigay sila upang patayin.
3Ang kanilang patay ay itatapon,
at ang baho ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw;
at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo.
4Ang
ang taon ng pagganti para sa kapakanan ng Zion.
9At ang kanyang mga batis ay magiging alkitran,
at ang alabok niya ay magiging asupre,
at ang lupain niya ay magiging nagniningas na alkitran.
10HindiApoc. 14:11; 19:3 ito mapapatay sa gabi o sa araw man;
ang usok niyon ay paiilanglang magpakailanman.
Mula sa isang lahi hanggang sa susunod na lahi ito ay tiwangwang,
walang daraan doon magpakailan kailanman.
11Ngunit ito ay aangkinin ng lawin at ng porkupino;
at ang kuwago at ang uwak ay maninirahan doon.
Kanyang iuunat doon ang pisi ng pagkalito,
at ang pabigat ng kawalan sa mga mararangal nito.
12Kanilang tatawagin iyon na Walang Kaharian Doon,
at lahat niyang mga pinuno ay mawawalang kabuluhan.
13At mga tinik ay tutubo sa kanyang mga palasyo,
mga dawag at damo sa mga muog niyon.
Iyon ay magiging tahanan ng mga asong-gubat,
tirahan ng mga avestruz.
14At ang maiilap na hayop ay makikipagsalubong sa mga asong-gubat,
at ang lalaking kambing ay sisigaw sa kanyang kasama;
ang malaking kuwago ay maninirahan din doon,
at makakatagpo siya ng dakong pahingahan.
15Doo'y magpupugad at mangingitlog ang ahas,
at magpipisa ng itlog at titipunin sa kanyang lilim;
doon matitipon ang mga lawin,
bawat isa'y kasama ng kanyang kauri.
16Inyong saliksikin at basahin ang aklat ng Panginoon:
Kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang;
walang mangangailangan ng kanyang kasama.
Sapagkat iniutos ng bibig ng Panginoon,
at tinipon sila ng kanyang Espiritu.
17At siya'y nagpalabunutan para sa kanila,
at ito'y binahagi ng kanyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat;
ito'y kanilang aariin magpakailanman,
mula sa mga sali't salinlahi ay maninirahan sila roon.
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.