MGA AWIT 120 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Awit ng Pag-akyat.

1Sa aking kahirapan ay sa Panginoon ako dumaing,

at sinagot niya ako.

2“O Panginoon, sa mga sinungaling na labi ay iligtas mo ako,

mula sa dilang mandaraya.”

3Anong ibibigay sa iyo,

at ano pa ang sa iyo ay magagawa,

ikaw na mandarayang dila?

4Matalas na palaso ng mandirigma,

na may nag-aapoy na baga ng enebro!

5Kahabag-habag ako na sa Mesech ay nakikipamayan,

na sa mga tolda ng Kedar ay naninirahan.

6Matagal nang ang aking kaluluwa ay naninirahang

kasama ng mga napopoot sa kapayapaan.

7Ako'y para sa kapayapaan;

ngunit kapag ako'y nagsasalita,

sila'y para sa pakikidigma!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help