MARCOS 1 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(Mt. 3:1-12; Lu. 3:1-20; Jn. 1:19-28)

1Ang pasimula ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos.

2Ayon

na maghahanda ng iyong daan;

3ang sa tabi ng dagat ng Galilea, nakita niya sina Simon at ang kanyang kapatid na si Andres na naghahagis ng lambat sa dagat, sapagkat sila'y mga mangingisda.

17At sinabi sa kanila ni Jesus, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.”

18Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya.

19Nang makalakad pa siya ng kaunti, nakita niya sina Santiago na anak ni Zebedeo at si Juan na kanyang kapatid na naghahayuma ng mga lambat sa kanilang bangka.

20Agad niyang tinawag sila at iniwan nila si Zebedeo na kanilang ama sa bangka na kasama ng mga upahang tauhan at sumunod sa kanya.

Ang Lalaking may Masamang Espiritu(Lu. 4:31-37)

21Nagpunta sila sa Capernaum. Nang araw ng Sabbath, kaagad siyang pumasok sa sinagoga at nagturo.

22Namangha ang tungkol sa kanya.

31Lumapit siya at hinawakan ang babae sa kamay at siya'y ibinangon. Nawala ang kanyang lagnat at siya'y naglingkod sa kanila.

32Pagsapit ng gabi, pagkalubog ng araw, kanilang dinala sa kanya ang lahat ng mga maysakit at ang mga inaalihan ng mga demonyo.

33Ang buong lunsod ay nagkatipon sa may pintuan.

34At nagpagaling siya ng maraming iba't ibang may karamdaman at nagpalayas siya ng maraming demonyo. Hindi niya pinahintulutang magsalita ang mga demonyo, sapagkat siya'y kilala nila.

Ang Pangangaral ni Jesus sa Galilea(Lu. 4:42-44)

35Nang madaling-araw, habang madilim pa, pagbangon ni Jesus ay lumabas siya at nagtungo sa isang ilang na lugar, at doon ay nanalangin.

36Hinanap siya ni Simon at ng mga kasamahan niya.

37Siya'y natagpuan nila, at sinabi sa kanya, “Hinahanap ka ng lahat.”

38Sinabi niya sa kanila, “Pumunta tayo sa iba pang mga karatig-bayan upang ako'y makapangaral din naman doon, sapagkat dahil dito ako'y naparito.”

39At ang kanyang kamay, hinipo ang ketongin at sinabi sa kanya, “Gusto ko, maging malinis ka.”

42At kaagad na nawala ang kanyang ketong at siya'y naging malinis.

43Pagkatapos na mahigpit siyang binalaan, kaagad niya itong pinaalis.

44SinabiLev. 14:1-32 niya sa kanya, “Tiyakin mong wala kang sasabihin kaninuman kundi pumunta ka at magpakita sa pari at maghandog ka para sa pagkalinis sa iyo ayon sa ipinag-utos ni Moises bilang isang patotoo sa kanila.”

45Ngunit siya'y umalis at nagsimulang magsalita nang malaya tungkol dito at ikinalat ang balita, kaya't hindi na hayagang makapasok si Jesus sa bayan, kundi nanatili siya sa mga ilang na lugar at pinuntahan siya ng mga tao mula sa lahat ng panig.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help