MGA AWIT 75 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Sa Punong Mang-aawit: ayon sa Huwag Puksain. Salmo ni Asaf. Isang Awit.

1Kami ay nagpapasalamat sa iyo, O Diyos;

kami ay nagpapasalamat, malapit ang iyong pangalan.

Ang mga kagila-gilalas mong gawa ay sinasaysay ng mamamayan.

2At sa aking piniling takdang panahon,

may katarungan akong hahatol.

3Kapag ang lupa ay nayayanig at ang lahat ng mga naninirahan dito,

ako ang nagpapatatag sa mga haligi nito. (Selah)

4Aking sinabi sa hambog, “Huwag kang magyabang,”

at sa masama, “Huwag mong itaas ang iyong sungay;

5huwag mong itaas ang iyong sungay nang mataas,

huwag kang magsalita nang may matigas na ulo.”

6Sapagkat hindi mula sa silangan, o mula sa kanluran,

ni mula man sa ilang ang pagkataas;

7kundi ang Diyos ang hukom,

ang isa'y ibinababa at ang iba'y itinataas naman.

8Sapagkat sa kamay ng Panginoon ay may isang kopa,

may alak na bumubula, hinalong totoo;

at kanyang ibubuhos ang laman nito,

tunay na ang masasama sa lupa

ay ibubuhos at iinumin ang latak nito.

9Ngunit ako'y magpapahayag magpakailanman,

ako'y aawit ng mga papuri sa Diyos ni Jacob.

10Lahat ng mga sungay ng masama ay aking puputulin,

ngunit ang mga sungay ng matuwid ay itataas.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help