MGA AWIT 95 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

1O halikayo, tayo'y umawit sa Panginoon;

tayo'y sumigaw na may kagalakan sa malaking bato ng ating kaligtasan!

2Lumapit tayo sa kanyang harapan na may pagpapasalamat;

tayo'y sumigaw na may kagalakan sa kanya ng mga awit ng pagpupuri!

3Sapagkat ang Panginoon ay dakilang Diyos,

at dakilang Hari sa lahat ng mga diyos.

4Nasa kanyang kamay ang mga kalaliman ng lupa,

ang mga kataasan ng mga bundok ay kanya rin.

5Ang dagat ay kanya, sapagkat ito'y kanyang ginawa,

ang kanyang mga kamay ang lumikha ng tuyong lupa.

6O parito kayo, tayo'y sumamba at yumukod;

tayo'y lumuhod sa harapan ng Panginoon, ang ating Manlilikha!

7SapagkatHeb. 3:15; 4:7

Heb. 3:7-11 siya'y ating Diyos,

at tayo'y bayan ng kanyang pastulan,

at mga tupa ng kanyang kamay.

Ngayon kung inyong papakinggan ang kanyang tinig,

8huwagExo. 17:1-7; Bil. 20:2-13 ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,

gaya ng araw sa ilang sa Massah,

9nang tuksuhin ako ng mga magulang ninyo,

at ako'y subukin, bagaman nakita na nila ang gawa ko.

10Apatnapung taong kinamuhian ko ang lahing iyon,

at aking sinabi, “Bayan na nagkakamali sa kanilang puso,

at hindi nila nalalaman ang aking mga daan.”

11Kaya'tBil. 14:20-23; Deut. 1:34-36; Heb. 4:3, 5; Deut. 12:9, 10 sa aking galit ako ay sumumpa,

na “Sila'y hindi dapat pumasok sa aking kapahingahan.’”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help