MGA AWIT 47 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Kataas-taasang PinunoSa Punong Mang-aawit. Awit ng mga Anak ni Kora.

1Ipalakpak ang inyong mga kamay, kayong lahat na mga bayan!

Sumigaw kayo sa Diyos nang malakas na tinig ng kagalakan!

2Sapagkat ang Panginoon, ang Kataas-taasan, ay kakilakilabot;

isang dakilang hari sa buong lupa.

3Ang mga bayan sa ilalim natin ay pinasusuko niya,

at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.

4Kanyang pinili ang pamanang para sa atin,

ang kaluwalhatian ni Jacob na kanyang minamahal. (Selah)

5Ang Diyos ay pumailanglang na may sigaw,

ang Panginoon na may tunog ng trumpeta.

6Kayo'y magsiawit ng mga papuri sa Diyos, kayo'y magsiawit ng mga papuri!

Kayo'y magsiawit ng mga papuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga papuri!

7Sapagkat ang Diyos ang hari ng buong lupa;

magsiawit kayo ng mga papuri na may awit!

8Ang Diyos ay naghahari sa mga bansa;

ang Diyos ay nakaupo sa kanyang banal na trono.

9Ang mga pinuno ng mga bayan ay nagtipun-tipon

bilang bayan ng Diyos ni Abraham;

sapagkat ang mga kalasag ng lupa ay sa Diyos;

siya'y napakadakila.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help