MGA AWIT 6 - Tagalog Form-Based Bible (2001)(ABTAG01)

Sa Punong Mang-aawit: sa Saliw ng Instrumentong may Kuwerdas; ayon sa Sheminith. Awit ni David.

1OAwit 38:1 Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong kagalitan,

ni sa iyong pagkapoot, ako ay parusahan man.

2Maawa ka sa akin, O Panginoon; sapagkat ako'y nanghihina;

O Panginoon, pagalingin mo ako; sapagkat nanginginig ang aking mga buto.

3Ang aking kaluluwa ay nababagabag ding mainam.

Ngunit ikaw, O Panginoon, hanggang kailan?

4Bumalik ka, O Panginoon, iligtas mo ang aking buhay;

iligtas mo ako alang-alang sa iyong tapat na pagmamahal.

5Sapagkat sa kamatayan ay hindi ka naaalala;

sa Sheol naman ay sinong sa iyo ay magpupuri pa?

6Sa aking pagdaing ako ay napapagod na,

bawat gabi ay pinalalangoy ko ang aking higaan,

dinidilig ko ang aking higaan ng aking mga pagluha.

7Ang aking mga mata dahil sa dalamhati ay namumugto,

ito'y tumatanda dahil sa lahat ng mga kaaway ko.

8LumayoMt. 7:23; Lu. 13:27 kayo sa akin, kayong lahat na gumagawa ng kasamaan,

sapagkat ang tinig ng aking pagtangis ay kanyang pinakinggan.

9Narinig ng Panginoon ang aking pagdaing;

tinatanggap ng Panginoon ang aking panalangin.

10Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya at mababagabag na mainam;

sila'y babalik, at kaagad na mapapahiya.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help